dailies
Saturday, February 25, 2006
-8:44 AM
haha.. naisip ko lang yang title na yan.. kasi kanina.. habang naghahanda ako para sa debut ni lau.. starboy yung palabas sa tv.. yung komiks ata yun.. haha.. wala lang.. walang koneksyon..
hindi kasi.. sa debut ni lau.. 16th candle ako.. haaay.. narealize ko na hindi ko parin naoovercome ang takot ko na magsalita sa harap.. walang sense pinagsasabi ko.. napaka-articulate ko talaga haha... natuwa nga pala ako sa description sakin.. kasi yun rin sana yung ipangdedescribe ko kay lau.. haaay... ang cool talaga... haha wala nanamang koneksyon..
stargirl.. napakalawak ng sky... at sobrang clear.. walang mga ulap.. swerte ko nga naman talaga... malamig ang hangin pero hindi nakakaginaw.. sarap tumingala... nawala lahat ng sama ng loob ko.. haha... ang pagtingala pala hindi lang pag umiiyak ka gumagana.. kahit kelan.. nung pauwi na.. sinabay ako ni caloi.. sobrang bait talaga nun.. tapos ang miba pang mga kasabay ay sina ben, jacob at markmau.. napakaganda.. allboys kami.. at bigla kong nasabi.. ang angas ng sky.. haha ka-otihan ko talaga.. nagreact si mau.. angas daw..? haha.. labo kasi eh no... pero talaga naman eh... kung wala lang akong nakasalubong na pusa.. baka nagstay na ako sa labas.. haaay.. asar na mga pusa na yan..
isa pa nga pala kung bakit biglang nawala lahat ng lungkot ko... sabi ba naman sa description ni lau.. ako daw yung tipo ng kaibigan na "buti nalang nandyan"... awww.. na-touch talga ako.. at ganun naman rin si lau... hindi man magkausap ng matagal na matagal na panahon.. pag nagkaron ng pagkakataon.. parang walang oras na nasayang... parang walang panahon na namagitan.. parang kahapon lang lagi... haha.. basta.. hindi kasi ako makatha eh.. yun na yun..
at.. nagpaalam na ako sa stars.. maaalala ko parin naman eh.. at mapapanaginipan..
haaay.. makatulog na nga.. magppray pa ako.. masyado kasi nagpagod eh.. ininggit pa ako... magpagaling ka.. sayang hindi mo nakita ang sky...
buti pa talaga ang langit.. kahit anong mangyari nandyan yan... yung mga bituin masapawan man ng liwanag ng araw.. hindi parin umaalis.. hinihintay magparaya yung araw para makagpakita siya ulit... pero hindi talaga umaalis.. haha ano nanaman yan..? ewan ko rin.. haha..
Thursday, February 23, 2006
-1:51 PM
tulog...
masakit ang ulo...
pagod...
busog... walang gana kumain...
nag-aaral sa thirdfloor...
nagbababad sa shower...
iidlip lang sandali...
galit...
ok lang...
-1:35 PM
Kanina pa kitang pinagmamasdan
Mukha mo’y di maipinta
Malungkot ka na naman
Kanina pa kitang inaalok ng
Kuwentuhang masaya
Parang sa’yo’y balewala
Sandali nga
Teka lang
May nakalimutan ka
Di ba’t pwede mo akong iyakan
Sige lang
Sandal ka na
At wag mong pipigilan
Iiyak mo na ang lahat sa langit
Iiyak mo lang ang lahat sa akin
Andito lang ako naghihintay
Lagi mong tatandaan
Di ka naman nag-iisa
Andito lang ako makikinig sayo
Sa buong magdamag
Sa’kin di ka balewala
Sige lang
Sandal ka na
At wag mong pipigilan
Iiyak mo na ang lahat sa langit
Iiyak mo lang ang lahat sa akin
Sige lang
Sige lang sige lang
[buti nalang kahit papano.. masaya ang araw ko.. palpak man yung simula.. salamat sa cookies and cream regular zagu.. hehe.. tsaka sa nagturo sakin ng pagtugtog ng sandalan.. ikaw na kinakantahan ng song na ito.. kinaiinggitan kita...]
Wednesday, February 22, 2006
-8:10 AM
wag niyo ko awayin dahil nasa gitna ako..! nakikita ko ang mabuti sa bawat tao..
wag niyo naman sana ipitin ako sa mahihirap na sitwasyon... gitna ulit..
isipin niyo naman rin kahit minsan na masasaktan rin ako...
ayoko na kayong ipangtanggol...
sige jeni.. iyak pa... walang magtatanggol sayo.. prottektahan mo na lahat except sarili mo..
Saturday, February 18, 2006
-2:45 PM
...I'm supergirl and I'm here to save the world but I wanna know who's gonna save me...
Friday, February 17, 2006
-2:54 PM
wah.. bakit lagi nalang ako may masamang panaginip... pag lumagpas ng 9 ang pagtulog ko.. sigurado babangungutin ako... parang may fixed natural rule na bawal ako matulog ng maslate dun... lagi nalang... at nanaginip ako tungkol sa comm3 class ko.. pero nagsasagot kami ng physics na problem.. at wala pa mang 3mins.. tapos na silang lahat sa problem solving at hindi ko pa nga nababasa... edi hindi ko napasa yung 1st problem at ganun rin ang nanyari sa pangalawa... at nakaupo lang ako dun... pakiramdam ko talaga ang bobo ko.. kasi hindi ako nakapagpasa.. hindi ko nga man lang daw alam [as in "no idea"] kung pano sagutin... jeni-gc... ano ba yan... wala kaya akong pakialam... hmmm bakit ba kasi naglalagay ako ng standards... at ayoko sundin.. tapos pag tapos na nagsisisi ako at iniisip na bakit ganun... or siguro mayabang ako... haha bahala... ang labo...
masama pang panaginip.. naiwan akong mag-isa sa bahay... at narinig kong tumatahol yung aso namin.. so sumilip ako sa labas.. nagkataon na bukas yung pinto ng bahay.. kasi yung screendoor lang yung nakasara.. at may tatlong adik na may dalang mga plastic at ewan ko kung malaking kutsilyo yun o itak o bolo... hahahaha.. at naramdaman ng actual kong katawan yung electrifying na kaba... pag sobrang kinilabutan ka na parang na-ground ang buong katawan mo... at tumakbo ako sa pinto at sinara.. pero muntik ng hindi ko masara kasi mabilis sila... tapos biglang naalala ko na sa may bubong ng garage... may daan papasok ng kwarto namin. fire exit kasi yun... nakapadlock yun pero dahil lagi nalang may napupunta na shuttlecock sa bubong namin hindi ko sinasaaran talaga ang padlock... at dun nga sila nakadaan at nagising na ako.. pero naiwan yung kaba... ang labo no.. na makapanaginip ako ng ganyan... at nakita kong 3am palang.. pero pagod na pagod na ako... parang andami ng pinagdaanan...
hmmm matatakutin na talaga ako.. ayaw ako tantanan ng images ng dawn of the dead.. parang pagnagigising ako ng madaling araw at masyadong tahimik... natatakot ako.. minsan may tunog pa ng tsinelas na tumatakbo tapos sunud-sunod pa yung kahol ng mga aso from one corner hanggang sa dulo... comforting nga yung naririnig ko yung minsang may trike na dadaan... waaaah.... bakit ba mahilig magstore ng unnecessary images ng utak ko at binabalikan ko sa pagtulog... sa panaginip...
marami akong napapaniginipan... at pag pumapasok na sa school... unti-unti nawawala yung details na halos totoong totoo na mahirap isiping hindi nangyari habang tulog...
nanaginip rin ako ng taong hindi bumalik... wag naman...
jeni gising!!
Tuesday, February 14, 2006
-8:09 PM
ang napaka-purple na valentines day...
nag-purple ako na shirt.. hmmm... haha hindi pa nga akin yun eh.. hiniram ko lang sa kapatid ko... naipakilala ko sa maraming tao si
chubibo, ang aking purple fluff na sabit sa phone.. na bilog na bilog na warm and fuzzy [ayon kay joy]... nawala ko ang aking purple na pamaypay.. maliit lang kasi yun.. pero tama ba naman kasing ibulsa sa likod... ahehe.. hmmm nakatanggap ako ng purple na box...late na gift nung birthday ko [thank you thank you.. hmmm :)..].. at nakatanggap rin ako ng purple na bilog na nakakatuwa at the same time nakakatawa.. hahaha.. hindi mo akalain talaga... haha... [peace! pare.. belat!]... valentines na nakakapangiti... nagsisisi lang ako at sumama ako sa aking mga magulang at mga kapatid sa sm nung gabi... haaay... 2by2 ang mga tao... at nagkakagulo yung mga kalalakihan sa mga giftshops at ang haba ng pila sa mga flowershops at ang gulo rin sa national-card section.. samantalang gabi na nun... late na.. sakit tuloy sa ulo... daming tao at ang ingay at ang gulo.. hmmm... ayun... hmmm... ito pa pala... naghahanap ako ng violet na roses.. kung may blue.. bakit violet wala... hmmm... oist ikaw na nagbabasa nito.. pag may nakita kang ganun... sabihin mo sakin... hahaha... salamat ;p...
Monday, February 13, 2006
-3:40 AM
sa panel discussion kanina [feb13, 2006] sa comm3 class
pabida-kontrabida
single or attached..? why single..? why attached..? your choice..? or involuntary...?
definitions: single-unattached, attached-not single [napakalinaw diba..?] [hahaha]
anyway.. ito talaga ang gusto kong ikwento.. si ms panelist... the girl in the mini and offshoulder blouse with ruffles..
single or attached...?
ms panelist: happily attached...
what do you look for in a guy...?
ms panelist: yung aasikasuhin ako.. somone who's there when i need him... [aww hindi ba't yun ang gusto natin lahat]... a guy who understands that i have many things to do.. i have studies and chores too... parang.. someone who'd understand "don't bug me.. i'm studying"... [hmmm parang kakaiba..]
about relationships..?
ms panelist: i go into relationships for the sake of experience...
mr co-panelist: eh hindi ba for a relationship to "happen"... both parties should have "feelings" for each other...?
ms panelist: what about the phrase.."learning to love someone"...
another ms co-panelist: you don't go into a relationship... without the feeling first... una dapat yun...
ms panelist: these are like experiments... just like what they say when you're this young... you're really just experimenting on everything...
mr co-panelist: wouldn't you say that you're being unfair..? kasi you'll break up with that someone when your "experiment" is over... [may point siya no..?]
ms panelist: kasi... it starts out that i like the guy.. tapos pag i don't like him anymore... we break up.. i say goodbye...
mr co-panelist: what if he already developed certain feelings for you..? hindi ba paasa ka nun.. [oooohh... nagiging mainit ang usapan.. haha]
ms panelist: actually i've had problems like that with some of my boyfriends... [aba...] basta kasi... i don't love you even if you love me with all your heart... [aba talaga...]
about influence.. the friends...
ms panelist: they say that they want a certain guy for me.."bagay" daw.. so ok lang maging kami... then if it turns out na ayoko sa kanya... ayun...
about influence... the family...
ms panelist: as the first child of my parents... having relationships... [most probably behind their backs...] is a sign of defiance.. of rebellion...!
[and with this i close this panel discussion... happy valentine's day to all you guys happily attached... sana ay hindi niyo makatagpo ang ganitong sitwasyon na guinea pig lang kayo..]
Saturday, February 11, 2006
-4:11 PM
hmm gusto ko na magrelease ng creative juices.. haha outlet! pahingi!.. hmm wala akong time para sa scrapbook.. hindi ko mahanap yung libro ko na how to make a painting.. at bibili pa pala ako ng brushes.. ahaha... pag alam ko na kung anong klase.. hindi ako makapagpiano.. dahil minimal noise lang ang pwede sa bahay.. mabubulabog ang mga nocturnal.. hindi maaari.. at ito pa.. napakarami kong papers.. oh mehn.. bakit ba.. ang hina ko sa AP sa KAS sa kahit na anong history???... hahahaha... hirap talaga.. bakit nga ba ako nag-kas... hmmm kasaysayang bayan... minimum 20 pages [hindi kasi ako nakapunta sa fieldtrip.. pano naman ako pupunta..??? feb5 yun... anong oras na ba ako nakatulog...] tapos may 2 daw akong absence...??!! isa lang kaya... yung araw na pinag-aralan ang babaylan... additional 2 papers pa tuloy.. reaction to any film or current event... at meron pang babaeng gerilya paper [ngayon ko narerealize na madaya ang mga lalaki ng unang panahon... hirap maghanap ng impormasyon sa history pag tungkol sa babae]... kas1 bakit mo ako pinaparusahan.. mahina nga ako diyan eh... ... Sea30 inis nakidagdag pa... paper rin.. 15 pages ata.. tungkol sa art and culture.. haaay... para akong gumagawa ng libro na iba-ibang chapters... at kailangan ko pa basahin ang WALDEN!!! waaaah... napaka-boring at hindi ko maintindihan... lessons tungkol sa buhay..? wala ba yung applicable sa teenager na hati ang attention at nauubusan na ng oras..? pahingi ako ng wardrobe..! dun muna ako mag-aaral... at di niyo mamamalayang nawala ako pagbalik ko... haaaay.... haaaay.. at paalam muna.. dahil marami rin akong chores...
oh no.. and still.. nakapagpost pa ako.. pagbigyan niyo na.. kailangan ko to...
Friday, February 10, 2006
-8:00 PM
para sa feb4..
gusto ko magsorry sa sumusunod na mga kaibigan:
sa mga naunang dumating: sorry nauna pa kayo sa amin.. hahaha.. late ako eh no..
bianca, benson at jake: na-outnumber ng mga scientian.. marami kasing hindi dumating na hopians.. ahehe..
benson: dahil walang mic stand.. ahehe
jonas: hindi nakasayaw sa 18roses.. sorreee..
sa mga sumayaw ng swing: sorry nagkalat tayo.. haha.. pero masaya naman eh.. salamat at walang nagalit sa inyo sakin..
sa silicon carne and friends.. wala akong naitulong sa instruments.. sorree...
sa aking family members: hindi nakakain ng matino.. dahil nag-asikaso...
sa 18roses: sorry matinik yung roses.. hahahaha...
sa 18seashells: wala akong sea shells eh..
leon: hindi na naasikaso yung cake... hahaha..
ra: biglang hinatak para maging mc... galing mo!! heehee...
gelain: hindi natuloy yung game...
joseph: hindi ko napanood ng buo yung song mo.. sorry talaga.. at namiss pa yung isa pa.. sorry talaga...
gusto ko magpasalamat sa mga sumusunod:
sa lahat ng dumating: dahil dumating kayo...
james, joy, kat, jeanine, jantoy, joseph, gelain, imma: sa inyong pagshare ng talents.. salamat ng marami... haaay... ang gagaling.. hehe...
benson: ganun rin..
imir: umuwi pa galing sa baguio.. salamat talaga...
kuya at ra at audrey: mga naging mc na on the spot..
sa lahat lahat!!.. salamat...
hindi ko maissummarize yung mga gusto kong sabihin pero.. before.. during and after.. nasiyahan ako... salamat.. pati sa mga surprise na mga gift.. heehee.. nakakatuwa lahat.. salamat.. hahaha ang tanda ko na... yak...