dailies
Thursday, December 29, 2005
-7:55 PM
ang bago kong blogskin... ang astig.. kasi si aud nakahanap niyan sa totoo.. tapos hiningi ko lang sa kanya... kasi.. gusto ko talaga... kaya nasa credits ngayon si aud.. hehe... pansinin niyo naman yung nakasilip na ten peso bill.. pati narin yung harry potter na bookmark... hahaha.. ang astig kasi 14year old pinay ang gumawa.. kaya... ganyan... astig... haha wala lang na-elibs lang ako masyado... woohoo.. bagong taon.. malapit na... yeah... baka hindi ako makapag-post on time... HAPPY NEW YEAR sa lahat!!!! God bless us everyone... heehee...
Monday, December 26, 2005
-7:31 PM
ahehe small party dito sa bahay namin... saya.. tapos ang kulit kasi naglabas ng reindeer antlers bigla si mommy.. tuwang-tuwa naman kami... hahaha... enjoy.. kulit ng mga tao... kaya lang.. miss na namin mga people na may white christmas at the other side of the world.. in short.. miss na namin mga pinsan namin sa canada... hahaha.. see you guys soon... enjoy ko muna holidays... *kisses*
Monday, December 19, 2005
-8:18 AM
hmmm... ano ba nangyari kanina... yun... naimbitahan ako nila joy na sumama mag-ice skating.. saya super.. except... semplang ba naman ako.. pagkatagal tagal na ata last na semplang ko sa yelo... pero kasi naman eh... matubig yung rink... as in... liliko sana ako... tumabingi yung skate ko at walang matinong nakapitan na yelo.. at yun nga... natumba ako.. sideways... oh mehn... hindi ko nga man lang narealize na bumagsak ako.. kasi di naman ganun kasakit.. pero basang-basa yung isang side ng pants ko... nakakahiya.. para akong nag-weewee hahahaha... nanginginig ako.. di ko alam kung dahil yun sa lamig o dahil napahiya ako... haha... liliko nalang kasi.. di pa marunong.. natancha ko na yung pagliko after nun.. pero binagalan ko nalang rin kasi nahihiya na talaga ako... habang nagsskating iniisip ko na dun sa loob ok lang na may watermark yung pants ko.. eh pano sa labas...???? hahaha style yan... haaaay... nung nagbowling after.. tsaka ko lang naramdaman yung pasa sa hita ko... haha... sana hindi nalang ako naglaro.. tipong basta maibato nalang yung bola, yun pa yung may score.. pag iniingatan ko naman yung tira parating gutter... hahahaha.. talaga nga naman... at siyempre.. si jeni ako.. hindi alam kung san titigil... nanginginig na nga yung isa kong binti.. tinry ko parin yung exceed.. hahahaha yung song na binigay sakin ni imma.. pangatlong arrow palang ata na-fail ko na... napahiya nanaman... nanginig pa maslalo... pero yung pangalawa... hindi na ko na-fail.. hmmm matututunan ko rin yang exceed na yan... hahaha.. parang puro tungkol sakin no...? hmmm medyo kaninang naglulunch.. winish ko na hindi maisipan ni imma na kulitin ako... hahahaha... hindi nga siguro maiiwasan... creepy pa nung kinuwento... hmmm yun.. sa pag-uwi.. kay joseph ako sumabay para sa t.sora kagad baba ko.. sa fairview na bus kami sumakay... isang seat lang yung vacant.. kaya ako lang yung nakaupo... hmmm... tapos ang sama ko talaga.. naalala kong kailangan tawirin yung commonwealth dahil nasa kabilang side yung jeep na sasakyan ko... napilitan pa tuloy na bumaba si joseph at itawid ako... oh mehn jeni.. bakit ka ba takot sa kalye.. at nakauwi narin.. sa bahay... tsktsk ang snalubong sakin ni audrey... hahaha... minsan lang naman ako late umuwi ah... kinuwento ko ang mga masamang nangyari.. bakit concerned daw ako... hmmm mehn... hindi ako heartless... syempre naman... at ayun nga... naka-glimpse nga pala ako ng something na alam kong matagal nang nawala.. nagulat lang ako sa pagbabalik... hmmmmm... sa pagkakataong ito.. wag isiping nagffeeling ako... wag mag-alala... haaaay... masayang araw para sakin... kahit may pasa... at salamat sa tickets.. ice skating at bowling.. sama ako ulit kung may next time pa...
Sunday, December 18, 2005
-7:29 AM
natapos ko na ang isa sa mga kailangan kong basahin nitong christmas break.. yey.. hahahahaha iniyakan ko ba naman... nakakaiyak kasi yung huling part.. at nasaktuhan pa ng pagkakataon.. ang babaw ng luha ko nung gabing yun.. at bumigay nalang rin... hahahahaha... yey one down.. three to go..
-5:49 AM
december 16, 2005.. McDonald's carpark.. scientian 05.. christmas party.. yeah..
yeah.. saya ng christmas party nung friday.. salamat sa pagpplano nila anna at imma nagkaron kami ng christmas party.. hehe.. kiddie party sa mcdo carpark.. the incredibles ang theme... nakasali pa ang karamihan sa kiddie games... hahaha... naaalala ko parin si en-en.. nakakatawa at nakakatuwa talaga... nanalo team namin.. hehe.. ano pa ba... hmmm... si kat nga pala at si joy ay mga naka-skirt.. cool.. hehehe... yung gabi ring yun may gig sila eh.. sayang at di ko napanood... hmm... medyo late nag-end yung party... hmmm... tapos mas-late pa akong nakauwi dahil hinintay ko pa daddy ko para di na magcommute.. late na kasi nun eh... hmmm... medyo marami ring wala.. si ruth wala dun kasi nag-mc para sa church namin... tapos basta alam ko maraming wala... hmmm... tapos yun.. enjoy pero napagod ako.. medyo maaga kasi ako naising nung araw na yun at di ako makatulog ulit nung tinry ko... hmmm... supposed to be two ng hapon nandun na ako kaya lang na-late ako dahil hindi ko akalaing sobrang traffic dito sa amin... kaya yun.. enjoy na araw.. sana maulit...
Thursday, December 15, 2005
-12:21 PM
break na! christmas break na! haaaay... sadistang exam kahapon.. dalawang beses pina-drawing yung map ng southeast asia.. worth 110 points yung exam mismo.. [merong 5 essay-type questions na worth 10 points each.. at tig-30 naman yung mga mapa...] pero at last.. natapos rin... haha as if.. wala na kong "homework".. mga prof ko talaga... hmmmm... christmas party na mamya... oh mehn.. nag-last minute shopping lang rin ako.. dahil sa mga exam na lumipas... inabot pa tuloy ako ng 6'30 sa daan.. daming tao sa sm.. buti nalang di masyado traffic pauwi... habang nakapila.. pinanood ko ang sky from blue to bluer still... haha.. ang bilis dumilim pero blue parin naman... full moon nga ata kagabi eh... liwanag ng sky... haaaay... dami kong binalak na gifts sana kaya lang naubusan talaga ng oras...
pasensya na kay Jeanine at Anna.. di ko kasi kayo naabutan sa UP kahapon... belated!!...
pagpasok ko nga pala kahapon.. super daming tao... grabe namang pinaka-inabangang event yung oblation run.. kawawa naman yung mga tumakbo.. parang for show talaga.. haha pero siyempre hindi ko inabutan yung oblation run mismo... nadatnan ko lang yung mga taong paalis.. nagtaka pa nga ako kung bakit super dami nila... yung oblation run lang pala hinintay.. tapos mga umuwi narin..
nag-ikot nga pala kami nila kat sa may mga tiangge.. kasama si buyao.. hmmm magnda sana yung mga coin purse ba yun.. dun sa mga tribal areas.. hehe... basta... kaya lang.. iilan lang yung kulay ng meron sila.. salamat kat tsaka buyao.. sinamahan niyo ako sa sakayan ng sm north.. hehe..
Tuesday, December 13, 2005
-11:26 PM
Monday, December 12, 2005
-2:48 PM
CHRISTMAS READING LIST
- The Little Prince [Antoine de Saint-Exupery]
- of Mice and Men [John Steinbeck]
- Tuesdays with Morrie [Mitch Albom]
- Walden [Henry David Thoreau]
[haaaay... eng11 talaga...]
-2:42 PM
without awareness:
entering, existing in, or affecting the mind without conscious awareness
[para sakin.. creepy yang word na yan.. hmm ewan ko.. parang for the past few weeks.. daming beses ko siya na-encounter.. subliminal alibata..?]
Saturday, December 10, 2005
-11:46 PM
pansin niyo ba na habang patagal ng patagal... parami na ng parami ang gumagamit ng "xmas" imbis na "christmas"... nakakalimutan na ba natin lahat kung ano talaga yung ibig sabihin ng araw na yun.. hmmm mag-isip-isip ulit tayo.. hehe hindi naman sa sinasabi kong binibig deal masyado.. shortcut daw ang "xmas".. pero kahit na.. 6letters lang naman eh..
hindi ako nag-aagree sa prof ko na nagsabing as we grow older we learn better and we stop believing in God.. hindi parang fairy tale na pagtanda mo alam mong hindi na totoo..
guys malapit na christmas.. balikan natin yung totoong reason for this season..
it's His day.. please wag naman natin Siya i-cross out..
maagang Merry Christmas!!...
siguro naman lam niyo na ilalagay niyo sa mga card na pangbati niyo..
=]
Tuesday, December 06, 2005
-8:54 PM
hmmm... hindi mo ba napapansin na minsan pag masaya ka masyado... may biglang mangyayari tapos bigla nalang babaliktad ang mundo... malungkot ka nanaman... akalain mong perfect day pero kinabukasan downhill lahat... or baka kasi ineexpect mo na magiging maganda ulitang araw mo kaya kapag ordinary lang.. nadidisappoint ka... tapos nalulungkot ka na.... or siguro mahirap lang talaga i-wish na walang magbago kasi madidisappoint ka lang talaga.. ano laban mo... kung wala ka naman talagang magagawa.. hmmm minsan tuloy.. sana di masyadong perfect... [nakakapang-alangan pag naeenjoy mo ang isang bagay kasi... may mangyayaring hindi mo gusto sa susunod...] extremes.... masmaganda sana kung nauuna ang lungkot... or siguro... depende lang sa pagtingin ko.. malay mo nga naman at una talaga yung kalungkutan at sumunod yung mga ngiti.. parang cycle... parang walang sense pinagsasabi ko... hmmm bahala ka na mag-figure out... nagugulumihanan ako... ahehe tama kaya spelling niyan... hmmm.... or sakin lang nangyayari to... or iniisip ko lang masyado... haaaay... jeni... tama na...
-8:26 PM
hindi ko alam kung bakit.. parang lahat nalang bumubulaga sakin... marami ba ako masyadong iniisip.. o kabaliktaran... wala akong iniisip... hmmmmm..... ang baba ko super sa map exercise ko... parang joke ang aking score.. naiisip ko puro ako excuse pero kasalanan ko naman talaga... hindi ako nakapagbasa sa kas1 ko samantalang nanghiram pa tlaga ako ng libro.. ano kaya grade kong makukuha sa aking chronological at logical arrangement of topics ng taong tabon.... nakakahiya kay jack na hiniram ko yung comm3 niya para lang mag-lastminute na paghahanda para sa quiz.... pop quiz sa math... ilang meetings palang lumilipas... wala na kagad ako naretain na tamang gawin... buti nalang at open notes.. haaay jeni.... wag masyado malalim isipin mo... yung mga kaya mo munang i-handle... ayoko na magmulti-tasking... nalulungkot nalang ako parati.... may mga umuulit sa isip ko... hmmmm.... masyadong mabibigat... easy lang.... si jeni lang ako... limited ang kaya kong gawin... masmahina ako sa inaakala mo....
"sorrow is like a fruit.... God does not let them grow on limbs too weak to bear them..."
sa nagsabi niyan kahit alam kong matagal ka ng nawala.. pasensya kung mali pagkakarephrase ko... haaaay....
sa susunod na map exercise.. pag wala pang nanyari ewan ko na...
next week test sa math100.. pag hindi ko pa to napaghandaan ewan ko narin...
haaay... sabi ng prof ko.. para daw di mo maisip na mahirap ang buhay mo... isipin mong.... masmaraming nahihirapan kesa sayo... isipin mo ang mga bata sa africa... [nakakalungkot lang lalo]
balang araw... aampon ako ng isa sa inyo [or dalawa... hanggat kaya ko.. magpapayaman ako]... hintayin niyo lang ako...
sa ngayon homework, chores, exams, recitation, grades, stress, pressure, insecurities, fears muna...
ngiti muna.... [dahil sinasabing yan pa muna ang madadaling gawin na mga bagay]
Monday, December 05, 2005
-1:13 AM
"Who are you?" said the caterpillar.
Alice replied rather shyly, "I hardly know, sir, just at present - at least i knew who i was when i got up this morning, but i think i must have changed several times since then..."
self concept formation:
"direct reflections... means you are deeply influenced by people's attitudes towards you."
"In the course of time, you come to view your 'self' as you are viewed by others."
[comm3 lesson1]
-1:05 AM
it was a sacrilege, the nighbors cried,
the way she
shattered every mullioned paneto let a firebrand in. they tried in vain
to understand how one
so carved from prideand glassed in dream could have so flung aside
her graven days, or why she dared profane
the bread and wine of life
for one insanemoment with him. the scandal never died.
but no one guessed that loveliness would claim
her soul's cathedral burned by his desires,
or that he left her aureoled in flame...
and seeing nothing but her
blackened spires,the town condemned this girl who loved too well
and
found her heaven in the depths of hell.
Thursday, December 01, 2005
-4:09 AM
bakit big deal...?
hindi ako over sensitive.... hahaha... pero iyakin na... hmmm kahit simpleng bagay...
"you are small because you feel small..."
yep... alam ko matangkad sila... hindi ikaw ang unang nagsabi niyan... hmmm yep alam ko rin maliit ako... well obviously natangkaran na nila ako... hindi ko kailangan yung comments na lumiliit ako... imposible naman kasi talaga yun... ok..? hmmm... wag ka mag-alala hindi naman ako usually masungit... walang kinalaman ang height ko dun...
"you have no idea what it's like to stand behind shadows of what came to be only after you..."
bakit big deal...? [hindi naman ako ganun kaliit eh... pero.... others.. na pinagcocompare-an...]
give it a rest... once in a while... bigyan niyo naman ako ng araw na pwede ko papahingahin mga mata ko...